
“I hate the way you smile. I hate those big brown eyes ‘cause I know they’re not for me. Cause we can never be more than friends and it hurts me every time I close my eyes all I see is you.”
Masakit! Masakit kasi kahit anong pilit ko sa sarili ko na kalimutan eh hindi ko pa rin magawa. Kahit gusto kong sabihin ang nararamdaman ko, mahirap kasi pag-aari ka ng iba. Masakit! Everytime na nakikita kitang masaya sa piling niya. Masakit everytime na pinapamukha mo na mahal mo siya. Alam kong masama tong nararamdaman ko. Pinipilit ko namang itigil to eh. Pero tong gagong pusong to, ayaw. Mahal na mahal ka pa rin niya. Isang taon. Isang taon na kitang mahal. Mas nauna pa kitang nakilala sa gf mo pero sa sobrang katorpehan ko, naunahan pa ko. :( Ayoko ng maramdaman tong nararamdaman ko ngayon. Feeling ko sasabog na ako sa sobrang selos. UGHHH!

Wala naman talagang forever eh. Sabi nga nila, nothing lasts forever. Kung totoo yang forever na yan, sana madami ng couples na ang hindi naghiwalay. Madami ng nagkaroon ng happy ending. All we have is what’s between HELLO and GOODBYE. Kaya pahalagahan natin ang lahat ng nasa paligid natin while they’re still there kasi we don’t know kung kailan sila mawawala.
Naranasan mo na ba yung feeling na pagkagising mo, siya agad ang naiisip mo? Yung feeling na pag nakatunganga ka lang, naaalala mo siya bigla? Yung feeling na habang binabasa mo to, siya agad ang naiisip mo?
Pero alam mo rin ba yung feeling na nararanasan mo lahat ng yan pero di mo siya pagmamay-ari? MASAKIT KAYA! Yung alam mong pag-aari na siya ng iba pero di mo pa rin siya maiwasang mahalin. Yung feeling na nakikita mong masaya siya sa piling ng iba. Yung feeling na alam mong inlove sila sa isa’t isa. Ang sakit sakit! Kahit anong pilit at sabi mo sa sarili mo na ayaw mo na, na titigilan mo ng mahalin siya eh di mo pa rin magawa. Mahirap! Sobrang Hirap. Nagmumukha ka na ngang tanga tapos di pa mapapasayo yung taong mahal mo. </3
“ANG HIRAP PALANG MAHALIN KA PERO KAKAYANIN KO TO. MAGHIHINTAY AKO!”
“Kung kaya kong iwanan ka, di na sana aasa pa. Kung kaya kong umiwas na, di na sana lalapit-lapit pa. KUNG KAYA KO SANA.”
Yung feeling na kahit anong pilit mong sabihin sa sarili mo na tigilan na siya eh di mo pa rin magawa? Yung feeling na alam mong wala ng patutunguhan yung pagmamahal mo sa kanya pero di mo pa rin siya kayang iwan.
MASAKIT. Masakit kasi gusto mo yung taong yun kaso wala eh. May mahal na siyang iba tapos ikaw nanjan aasa-asa na sana someday mapansin ka rin niya. Mapansin niya na mahal mo siya. Mapansin niya na mas deserve mo ang pagmamahal niya. NAKAKAINIS!
Nakakainis kasi feeling mo ang tanga tanga mo. Tanga para umasa pa. Tanga para magmahal ng taong walang pagtingin sayo. Pero ganyan talaga eh. Di mo masasabing nagmamahal ka kung di ka nagpapakatanga.
Siguro kailangan na lang natin maging thankful na nakilala natin sila. Maging thankful tayo sa mga araw na napasaya nila tayo. :>
MASAYA NA KO KASI NAKILALA KITA PERO MAS MASAYA SIGURO KUNG NAGING AKIN KA. >:)) Chos.

Sa bawat relasyon, nararanasan ng karamihan ang maiwanan lang sa ere. Yun bang dun sa higit na kailangan mo siya ay dun ka pa iiwan. At sa kay rami ng pinagdaanan niyo, dun mo pa siya di kayang ipaglaban. Marami kang binitiwang salita na pinaniniwalaan niya:
- Sabi mo, siya lang mahal mo.
- Sabi mo, di mo siya ipagpapalit sa iba.
- Sabi mo, siya lang talaga PANGHABANG-BUHAY.
- Sabi mo, di mo kayang mabuhay ng wala siya.
- Sabi mo, siya ang mundo mo.
- At sabi mo, siya lang ang gusto mong makasamang buohin mga pangarap mo.
-
Pero ba’t ganun, sa huli, iiwanan mo rin lang naman pala? Ni hindi mo nga siya kayang ipaglaban. Porket ayaw sa’yo ng mga magulang niya, iiwanan mo na agad? Di mo man lang ba inisip ang sakripisyong at pinagdaanan niya para ipaglaban ang pagmamahalan niyo? Napunta lang sa wala ang lahat. Ang mas masaklap pa dun, pinaasa mo siya sa wala. Sinayang mo ang pagkakataong mamuhay siya ng masaya. Sinayang mo ang pagkakataon niyang mamuhay sa pinapangarap niyang buhay. At alam mo kung bakit? Dahil ikaw yung pinili niya sa kabila ng iba niyang kagustuhan. Tapos ganun lang din gagawin mo? Nako, pwede bang batukan kita? Gumising ka! Ang dami mong sinasabi sa kanya tapos hanggang salita lang din pala ang lahat.
Kung magmamahal ka, siguraduhin mong di mo siya masasaktan at kaya mo siyang ipaglaban. Kase parte talaga ng pagmamahalan ang salitang IPAGLABAN. At kung magsasalita ka na nga lang, siguraduhin mong TOTOO ito at kaya mong panindigan para naman wala ng tao ngayong nasasaktan, nagdudusa at nahihirapan ng dahil lang sa maling gawain niyong yan.
Love. Napakakomplikado ng love na yan.
Maraming tao ang gustong maka-experience ng love. Marami na ring tao ang nasaktan dahil diyan sa pagmamahal. Maraming nagago, nagamit at naloko. Ikaw? Kaya mo bang i-sacrifice ang sarili mo para ma-experience yang love na yan? Di ka ba natatakot na baka lokohin ka rin? Gamitin? Pero siguro nga, kung mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat.
Ang love kasi dalawa lang ang ending. Pwedeng happy ending or pwede ring mag-end lang sa break-up. Madalas break-up ang ending ng mga couples. Bakit? Minsan kasi ginagawa lang na REBOUND, panakip butas kumbaga. Minsan walang trust sa isa’t isa. Minsan di maiwasan nung isa na lumandi at marami pang ibang reason.
But yung iba happy ending, madalas yung mga young adult na yung mga nakaka-experience niyan. Kasi marami na silang alam. Marami na silang experience. Alam na nila ang word na MAGSERYOSO at sa age kasi na yan, iniisip na nila ang future nila. :)
Kaya, dapat wag magmadali. Darating din ang panahon para makilala mo ang para sayo. Bata pa tayo. Marami pa tayong makikilala iba.
Next
|
|